pop up description layer
English | French | Mandarin | Japanese | Spanish | Arabic | German | Tagalog
Mabuhay! Maligayang Bati!

Pahinang kaalaman para sa unang rehistro

Unang Pagparehistro

Programang pagbabalik-aral

Pagsusulit para sa RN (rehistradong nars)

Hanapin

Site map

Makipag-ugnayan sa amin

video

Ebalwasyon

International Nurses:
Video Interviews

Fran鏰is
English Version


English Version

English Version

English Version
Deutsch Video
English Version
Tagalog Video
English Version

English Video
Mabuhay! Maligayang Bati!

Ang 揅ollege of Registered Nurses of Nova Scotia (ang College) ay malugod na nasisiyahan sa inyong pagdating sa probinsiya.  Kami po ay nakahandang magbigay ng impormasyon at tulong upang maging lubos na tagumpay ang inyong dadaanang proseso para sa pagkuha ng rehistro at lisensiya sa Nova Scotia.

Sa pakikipagtulungan sa ilang mga grupo, gaya ng 揗etropolitan Immigrant Settlement Association, ang 揌alifax Immigrant Learning Centre, at ang 揜egistered Nurses Professional Development Centre, kami po ay gumawa ng mga makakatulong na paraan na mababasa sa bawa抰 搘ebsite namin o sa pamamagitan ng pagtawag o pakikipag-ugnayan sa kahit kanino sa aming grupo.

Para mapadali sa inyo, pinagtulungan po naming gumawa ng dalawang mahahalagang dokumento ang isa ay pulyetos na may pamagat na 揚artnering for Internationally Educated Nurses, at isang chart na may pamagat na Flowchart Para Sa Pagparehistro At Pagpalisensiya.  Ang pulyetos ay nagbibigay ng kabuuang larawan ng samahang binuo ng 揅ollege kasama ang mga nabanggit na organisasyon at naglalarawan ng ilang paraan na maaaring makatulong sa inyo.  Ang Flowchart Para Sa Pagparehistro At Pagpalisensiya ay magbibigay sa inyo ng anim na hakbang tungo sa gagawing proseso ng paghiling para sa rehistro at lisensiya sa Nova Scotia.  Upang lubos kayong matulungan sa inyong hangaring makapagtrabaho bilang isang nars sa Nova Scotia, tingnan ang listahan ng mga karagdagang programa na makikita sa ibaba ng flowchart.

Inaasahan namin ang tuluyan pang pakikipag-ugnayan sa inyo at hinahangad namin ang inyong tagumpay sa pagtatrabaho bilang nars.

Mga Programang nakalaan para sa mga Nars na nagtapos sa labas ng Kanada:

Mga iniaalok ng College:

  • Pangunahin o Kinakailangang Pagsasanay
  • Suporta para sa paghahanda sa pagsusulit

e-mail: registration@crnns.ca

Mga iniaalok ng Registered Nurse Professional Development Centre:

  • Pagbibigay impormasyon o pagpapakilala sa Sistemang Pangkalusugan ng Kanada para sa mga nagtapos ng kursong pangkalusugan sa labas ng Kanada
  • Mga pagpipiliang programang pang narsing

Website:  www.cdha.nshealth.ca (Education) 

Ang Grant MacEwan Community College ay nagbibigay ng:

  • Programa ng Pagbabalik-aral (Muling Pagpasok) sa Narsing

e-mail: registration@crnns.ca

Ang Metropolitan Immigrant Settlement Association ay nagbibigay ng:

  • Libreng gabay mula sa mga taong gustong makatulong
  • Payo tungkol sa paghahanap ng trabaho
  • Serye ng pag-aaral tungkol sa paghahanap ng trabaho
  • Libreng paggamit ng mga bagay na makakatulong sa pag-aaral

Website:  www.misa.ns.ca

Ang Halifax Immigrant Learning Centre ay:

  • Nagtuturo ng Ingles para sa mga propesyonal na nagtapos ng kursong

pangkalusugan sa labas ng Kanada

Website:  www.hilc.ns.ca

Upang makita ang mga dokumentong kinakailangan para sa pagparehistro at pagpalisensiya sa ibang probinsiya sa Atlantik Kanada, bukod sa Nova Scotia, pindutin lamang ang mga links na nakasaad sa ibaba:

Prince Edward Island
Newfoundland & Labrador

New Brunswick

 Nova Scotia Website Design