pop up description layer
English | French | Mandarin | Japanese | Spanish | Arabic | German | Tagalog
Mabuhay! Maligayang Bati!

Pahinang kaalaman para sa unang rehistro

Unang Pagparehistro

Programang pagbabalik-aral

Pagsusulit para sa RN (rehistradong nars)

Hanapin

Site map

Makipag-ugnayan sa amin

video

Ebalwasyon

International Nurses:
Video Interviews

Fran鏰is
English Version


English Version

English Version

English Version
Deutsch Video
English Version
Tagalog Video
English Version

English Video
Panimnulang Pagrereaistro

UNANG PAGREHISTRO SA CANADA:  MGA NARS NA NAGTAPOS SA IBANG BANSA  (O SA LABAS NG CANADA)

Para makakuha ng lisensiya upang makapagtrabaho bilang Nars sa Nova Scotia, ang mga Nars na nagtapos sa labas ng Canada at hindi pa nakarehistro sa Canada ay kinakailangan magsumite ng kahilingan upang mapag-aralan kung karapat-dapat silang mabigyan ng rehistro at lisensiya.

Ang mga aplikante ay HINDI kinakailangang tumira sa Nova Scotia habang may hinihintay na resulta sa kahilingan para sa rehistro at lisensiya.

Ang mga aplikanteng galing sa labas ng Canada na naghihintay ng resulta ng CRNE ay maaaring humingi ng pansamantalang lisensiya (PL) sa Departamento ng Rehistro ng Kolehiyo.  Ang mga pansamantalang lisensiya ay may bisa ng dalawang linggo kasunod ng pagtanggap ng resulta ng pagpasa sa CRNE, at mawawalan ito ng bisa sa oras na malaman ang resulta ng hindi pagpasa sa CRNE.

Ang mga nars lamang na may tunay na lisensiya sa pagiging nars ang may karapatan upang gamitin ang mga salitang 揜ehistradong Nars, 揘ars, 搉ars, o ang pinaikling 揜.N., 揜N o 揜eg.N., at may karapatang magtrabaho bilang rehistradong nars sa Nova Scotia.

MGA HAKBANG NA DAPAT SUNDIN UPANG MAPAG-ARALAN KUNG KARAPAT-DAPAT MAGKAROON NG REHISTRO AT LISENSIYA.

  1. Kumpletuhin ang unang parte ng Kahilingan para sa Unang Pagrehistro sa Nova Scotia at isumite ito diretso sa 揔olehiyo of Registered Nurses of Nova Scotia  (ang Kolehiyo)  na may:
    • patunay ng iyong tunay na pangalan  (kopya ng papel ng kapanganakan/pag-aasawa/pagbinyag o pasaporte)
    • kasamang bayad na tinantiyang halaga at hindi maaaring bawiin, sa perang Kanadian  (maaaring makipag-ugnayan sa Opisina ng Rehistro ng Kolehiyo para sa kasalukuyang halaga ng bayad).
  2. Kumpletuhin ang Seksyon A ng ikalawang parte sa Kahilingan para sa Unang Pagrehistro sa Nova Scotia at isumite ito diretso sa iyong ORIHINAL na awtoridad ng rehistro/lisensiya, kasabay ang paghingi na:
    • kumpletuhin ang Seksyon B ng ikalawang parte, o kaya抷 idikit dito ang isang pahayag na magpapatotoo ng iyong kalagayan sa pagrehistro.
    • ibalik ang ikalawang parte* diretso sa Kolehiyo.  PAALALA:  Ang mga awtoridad sa pagrehistro/paglisensiya ay maaaring humingi ng bayad para makumpleto ang dokumentong ito.
  3. Kumpletuhin ang Seksyon A ng ikatlong parte sa Kahilingan para sa Unang Pagrehistro sa Nova Scotia kung ang iyong orihinal at kasalukuyang awtoridad sa rehistro/lisensiya ay magkaiba  (halimbawa, nakapagparehistro ka na sa ibang estado/bansa mula noong una mong pagrehistro/pagpalisensiya).  Isumite ang pormang ito diretso sa iyong pangkasalukuyan o pinakahuling awtoridad sa rehistro/lisensiya kasabay ang paghingi na:
    • kumpletuhin ang Seksyon B ng ikatlong parte, o kaya抷 idikit dito ang isang pahayag na magpapatotoo ng iyong kalagayan sa pagrehistro.
    • ibalik ang ikatlong parte* diretso sa Kolehiyo.  PAALALA:  Ang mga awtoridad sa pagrehistro/paglisensiya ay maaaring humingi ng bayad para makumpleto ang dokumentong ito.
  4. Kumpletuhin ang Seksyon A ng ika-apat na parte sa Kahilingan para sa Unang Pagrehistro sa Nova Scotia at isumite ito diretso sa Nangangasiwa ng Narsing o Nangangasiwa ng mga Tauhan ng iyong pangkasalukuyan o pinakahuling pinagtrabahuhan kasabay ang paghingi na:
    • kumpletuhin ang Seksyon B ng ika-apat na parte
    • ibalik ang ika-apat na parte* diretso sa Kolehiyo sa pamamagitan ng koreo o 揻ax.
  5. Kumpletuhin ang Seksyon A ng ika-limang parte ng Kahilingan para sa Unang Pagrehistro sa Nova Scotia at isumite ito diretso sa iyong paaralan ng Narsing, kasabay ang paghingi na:
    • kumpletuhin ang Seksyon B ng ika-limang parte
    • ibalik ang ika-limang parte* diretso sa Kolehiyo kasama ang kopya ng transkrip (mga marka) para sa programa ng Narsing.

      *ANG MGA DOKUMENTONG ITO AY KINAKAILANGANG IPADALA DIREKTA SA KOLEHIYO AT GALING SA AWTORIDAD NA MAY KINALAMAN DITO.

Ang mga nagtapos sa ibang bansa  (sa labas ng Canada)  na nagnanais magkaroon ng lisensiya upang makapagtrabaho ng Narsing ay kinakailangan na:

  1. mayroon siya ng lahat ng kinakailangan para makakuha ng lisensiya ng isang aktibong pagtatrabaho.  Pagrerehistro sa Nova Scotia
  2. kumuha at ipasa ang Canadian Registered Nurse Examination (CRNE), at
  3. kumpletuhin ang lahat ng mga hinihingi.

Ang mga aplikante mula sa Estados Unidos na mayroon nang lahat ng hinihingi at kumuha ng 揘LN State Board Test Pool Examinations sa limang paksa sa Narsing  (medikal, surhikal, obstetriks, pambata, psykiatrik)  bago mag Hulyo 1982, at nakakuha ng puntos na 350 o mas mataas ay maaari nang mabigyan ng rehistro at lisensiya at hindi na kinakailangang kumuha pa ng CRNE.

Pindutin dito para sa Kagalingan sa Wikang Ingles at Mga Kailangan sa Programa ng Narsing Patungkol sa mga Nars na Nagtapos sa Labas ng Canada (PDF).

Mga Pansamantalang Lisensiya
Ang mga aplikanteng galling sa labas ng Canada na naghihintay ng resulta ng CRNE ay maaaring humingi ng pansamantalang lisensiya (PL) sa Departamento ng Rehistro ng Kolehiyo.  Ang mga pansamantalang lisensiya ay may bisa ng dalawang linggo kasunod ng pagtanggap ng resulta ng pagpasa sa CRNE, at mawawalan ito ng bisa sa oras na malaman ang resulta ng hindi pagpasa sa CRNE.

Pagiging Karapat-Dapat
Sa oras na pumasa ang aplikante sa CRNE at nakumpirma ang karapatang mabigyan ng rehistro, siya ay tatanggap ng Kahilingan para sa Lisensiya sa Pagtatrabaho ng Narsing kasama ang resulta ng pagsusulit.  Ito ay isusumite niya kasama ang bayad para sa lisensiya, at pagkatapos nito ay ibibigay na sa kanya ang lisensiya upang makapagtrabaho ng Narsing sa Nova Scotia.

Mga Karagdagang Detalye

  • Anumang pagbabago sa kanilang pangalan at / o tirahan ay kinakailangang ipagbigay-alam ng mga aplikante sa Opisina ng Rehistro ng Kolehiyo.
  • Ang mga aplikanteng nagtapos sa labas ng Canada ay maaaring abutin ng 4 8 buwan ang pag-ayos ng kanilang mga kahilingan bago ito ibalik sa kanila.
  • Ang mga kinakailangan para sa Rehistro ng mga Nagtapos ng Narsing sa mga Paaralan sa labas ng Canada ay maaaring mabasa sa website.
  • Ang mga impormasyon para sa mga Aplikanteng Nagnanais Makakuha ng Unang Rehistro ay mababasa sa website.
  • Ang taunang paglilisensiya ng Kolehiyo ay nagsisimula sa ika-1 ng Nobyembre hanggang ika-31 ng Oktubre ng kasalukuyang taon ng paglilisensiya.
  • Ang mga lisensiya ay may bisa lamang mula sa petsa ng pagsimula ng pagproseso ng kahilingan hanggang ika-31 ng Oktubre ng kasalukuyang taon ng paglilisensiya.
  • Ang mga kahilingan ay may bisa lamang ng isang taon mula sa huling petsa ng pakikipag-ugnayan sa Kolehiyo.
  • Ang mga aplikante na nagnanais magkaroon ng lisensiya ng aktibong pagtatrabaho sa Nova Scotia ay kailangang kumpletuhin ang 揚aggawa Ng Iyong Katauhan  o 揃uilding Your Profile (BYP)  pamamaraan ng pagkilatis sa sarili, o isang katumbas na pamamaraan na base sa 揚amantayan para sa Pagtatrabaho ng Narsing at 揃asehan ng Wastong Pag-uugali, upang mabuo ang mga kinakailangan para sa Programa ng Patuloy na Pagpapakagaling o CCP  (Continuing Competence Program).
  • Ang mga aplikante na hindi tumutugon sa mga pangangailangan ng CCP ay bibigyan ng lisensiya na may bisa ng tatlong buwan lamang.  Upang makapagpatuloy sa pagtatrabaho bilang isang nars sa Nova Scotia, ang pangangailangan ng CCP ay dapat matugunan sa loob ng tatlong buwang bisa ng lisensiya.

Para sa karagdagang impormasyon, pindutin dito ang 揊act Sheet para sa mga Aplikanteng Nagnanais Makapagrehistro sa Unang Pagkakataon o kaya ay makipag-ugnayan sa Opisina ng Rehistro ng Kolehiyo.

 Nova Scotia Website Design