Eksaminasydng RN

Pagsusulit para sa Rehistradong Nars ng Canada (CRNE or RN exam)  

Bawa抰 probinsiya o territoryo ng Canada ay may tungkulin na siguruhing ang mga taong may kahilingan para sa pagrehistro at pagpalisensiya sa kani-kanilang mga probinsiya/territoryo (halimbawa, mga nagtapos ng pag-aaral ng narsing sa labas ng Kanada) ay tumutugon sa isang tanggap na pamantayan ng kagalingan bago sila magsimula ng trabaho.  Ang layunin ng pagsusulit para sa Rehistradong Nars ng Canada (Canadian Registered Nurse Examination o CRNE) ay pangalagaan ang publiko, sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga bagong rehistradong nars ay may taglay na sapat na kaalaman at kagalingan na kailangan upang makapagtrabaho ng ligtas at epektibo.  Ang pamantayan ng kagalingan ay sinusukat, sa isang bahagi, ng pagpasa sa pagsusulit para sa CRNE.

Sa Nova Scotia, ang 揅ollege of Registered Nurses of Nova Scotia (the College) ang nagbibigay ng pagsusulit sa CRNE para sa mga karapatdapat na aplikante.  Ang Opisina ng Rehistro ng College ang magsasabi kung sino ang karapat-dapat kumuha  ng CRNE matapos na makumpleto ng aplikante ang proseso para sa paghiling ng pagsusulit at rehistro sa Nova Scotia.  May kaukulang bayad ang pagkuha ng pagsusulit (makipag-ugnayan sa Opisina ng Rehistro upang malaman ang kasalukuyang halagang kailangang ibayad sa pagsusulit).

Ang CRNE ay isang malawak na pagsusulit na sumusubok sa mga kakayahang may kinalaman sa Narsing o pag-aalaga ng mga bata, may gulang at matatanda; pag-aalaga ng Sikayatrik at kalusugan ng pag-iisip; obstetrikal narsing; pag-iiwas sa sakit at promosyong pangkalusugan; at pag-aalaga ng isang komunidad.  Ang pagsusulit ay nahahati sa apat na aklat, kabilang ang pagpipili ng tamang sagot at tanong na may maikling kasagutan.  Ito ay ginagawa lampas ng isang araw, at ang resulta ng pagsusulit ay ipinaaalam lamang bilang 揚asado o 揃agsak.

Ang CRNE ay ibinibigay tatlong beses sa isang taon:  Pebrero, Hunyo at Oktubre (ginagawa sa mga araw na sabay-sabay sa buong Canada; maliban lamang sa Quebec, kung saan naiiba ang pagsusulit).  Ayon sa Regulasyon ng mga Rehistradong Nars (Registered Nurses Regulations, 2001), ang mga kukuha ng pagsusulit ay kinakailangang makapag-eksamen sa loob ng 24 na buwan mula sa pagkakatanggap sa kanila bilang isang karapatdapat mag-eksamen, ngunit hindi lalampas sa tatlong pagkakataon ang pagkuha nila ng pagsusulit sa loob ng panahong iyon. Ang mga pasado sa pagsusulit ay maaari nang humingi ng rehistro at lisensiya (kung ang mga naunang nabanggit na mga kailangan ay nakahanda na).

Paalala: Ang resulta ng pagsusulit para sa RN ay natatanggap ng 揔olehiyo mula walo hanggang 10 linggo pagkaraan ng araw ng pagsusulit.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa CRNE, kasama na ang mga araw o petsa ng pagsusulit, makipag-ugnayan lamang sa:

Registration, College of Registered Nurses of Nova Scotia
600-1894 Barrington St, Halifax, NS B3J 2A8 Canada
Tel 902-491-9744 (toll-free NS 1-800-565-9744), ext. 239
Fax 902-491-9510   E-mail registration@crnns.ca